Ano Ang Meaning Ng Kontinente At Rehiyon
Ano ang meaning ng kontinente at rehiyon
Answer:
Ang lupalop, na nakikilala rin bilang kontinente, ay ang pinakamalaking uri ng anyong lupa. Sa daigdig, ang mga ito ay binubuo ng magkakaratig na bansa na kadalasan ay nasusukat at naitatangi dahil sa kanilang kultura, tradisyon, at teritoryo.
Ang rehiyon ay isang salita o katawagang pangheograpiya na ginagamit sa maraming kaparaanan sa ibat ibang mga uri ng heograpiya. Sa pangkalahatan, ang rehiyon ay isang may hindi kalakihang sukat (midyum) na lugar o area ng lupa o tubig. Mas maliit ito kaysa buong pook ng isang bagay (na maaaring, bilang halimbawa, ang daigdig, isang bansa, isang sakop ng bundok, at iba pa). Mas malaki ito kaysa isang tiyak o espesipikong lokasyon. Maaaring tanawin ang rehiyon bilang isang kalipunan o koleksiyon ng mas maliliit na mga bagay (katulad ng mga estado ng Bagong Inglatera sa Estados Unidos) o bilang isang bahagi ng isang mas malaking kabuuan (katulad ng "ang rehiyon ng Bagong Inglatera ng Estados Unidos").
Explanation:
Comments
Post a Comment